-- Advertisements --

Muling iginiit ng Department of Justice na hindi magbabago ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa kagustuhan ng International Criminal Court na ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon sa loob ng bansa hinggil sa anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang posisyon ng gobyerno ay walang karapatan ang ICC na manghimasok sa internal affairs ng Pilipinas.

Ayon kay Remulla, ang stand na ito ng Pangulo ay sa kabilang ng kabi-kabilang pag-atake sa kanya.

Giit pa ni Remulla , mananatili ang posisyon ng pamahalaan na hindi kailanman makikipag tutulungan ang bansa sa ICC.

Ayon sa opisyal, ang Pilipinas ay hindi na miyembro ang bansa sa naturang international court.

Samantala, pinabulaanan ni Remulla , ang naging pahayag ni dating senador Antonio Trillanes IV.

Una ng sinabi ni Trillanes, tinatapos na lamang ng ICC ang imbestigasyon nito laban sa dating pangulo at sa iba pang inaakusahan na sangkot sa crimes against humanity.

Paliwanag pa nito na wala pang mga kinatawan ng ICC ang nasa loob ng bansa batay na rin sa record ng Bureau of Immigration.

Top