-- Advertisements --

Muling nilinaw ng Department of Justice na tumalima lamang ang gobyerno ng Pilipinas sa umiiral na Lnternational Humanitarian Law sa pag-aresto at pag surrender kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court.

Sa pagharap ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa senate inquiry ngayong araw sinabi nito na nananatili ang posisyon ng gobyerno na hindi nakipagtulungan ang Pilipinas sa naturang international court.

Pinangunahan ni Sen. Imee Marcos ang pagdinig na dinaluhan ng ilan sa mga miyembro ng gabinete ni PBBM.

Kinabibilangan ito nina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Interior Secretary Jonvic Remulla at iba pang mataas na opisyal ng gobyerno.

Giit ni Remulla na ang kanilang hakbang ay pagtalima lamang sa commitment ng gobyerno sa INTERPOL.

Isinuko lamang aniya nila ang isang indibidwal sa ICC at hindi ang buong bansa.