-- Advertisements --
DOJ secretart remulla dapat na magbitiw

Labis na ikinaalarma ng Department of Justice (DoJ) sa dami ng mga reklamong panggagahasa na ang mga responsable ay mismong ka-pamilya o kaanak ng biktima.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, nasa kalahati ng kasong hawak ng Witness Protection Program ay incestuos rape kung saan ang isinasangkot ay ama, lolo, tiyuhin, amain at iba pang kaanak ng biktima.

Maituturing aniya na epidemya na ang problema sa incestuos rape na dapat nang putulin dahil sa may epekto ito sa kultura ng bansa.

Matapos ang pulong kahapon kasama ang National Youth Commission, sa Biyernes ay maghaharap ang Department of Justice kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DoH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para talakayin ang usapin

Marami ayon kay Remulla ang biktima subalit nananahimik na lamang kasama ang ina ng ginahasa dahil sa ang gumawa ng krimen ang breadwinner o nagbibigay ng pangangailangan sa pananalapi ng pamilya.