Nagiwan ng warning ang Department of Justice (DOJ) sa mga banyagang patuloy na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) companies na sumuko na sa mga otoridad kung ayaw ng mga ito mailagay sa mga listahan ng mga blacklisted ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon kasi sa datos ng BI, mayroon pang hindi bababa sa 11,000 na mga chinese nationals ang patuloy na hinahanap ng mga otoridad dahil sa hindi nito pagsipot sa naging deadline ng ahesnya sa dapat sanang pag-alis ng mga ito noong Disyembre 31 ng nakaraang taon.
Kabilang ang mga ito sa winarningan ng DOJ dahil na rin sa bigo ang mga ito na i-downgrade ang kanilang mga visa at nanatili pa sa bansa matapos maexpire ang mga visang hawak ng mga ito.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang mga hakbangin na ito ng DOJ ay bahagi pa rin ng naging anunsyo ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na ‘total ban’ sa mga operasyon ng POGO sa bansa.
Samantala, patuloy naman ang manhunt operations ng BI sa mga ito na sa ngayon ay kinokonsidera na ng DOJ bilang mga ‘illegal aliens’.