-- Advertisements --
Nagbigay ng libreng legal Assistance para sa mga biktima ng Marawi Siege at maging sa mga internally displaced persons ang Department of Justice.
Sa pamamagitan ito ng paglulunsad ng Department of Justoce ng Katarungan caravan sa pakikipag kolaborasyon na rin sa Public Attorney’s Office, National Bureau of Investigation. Philippine National Police, at mga volunteer private lawyers.
Nagsimula na ngayong araw, Hunyo 3, 2024, ang naturang aktibidad ng DOJ na inaasahan naman na magtatagal hanggang sa Hulyo 3, 2024.
Samantala, nakatakdang magtapos ang caravan bago ang itinakdang deadline ng filing ng claims sa ilalim ng Marawi Siege Compensation Act of 2022.