-- Advertisements --

Tuluyan nang naghain ng kasong kriminal ang mga prosecutors ng Department of Justice laban sa dalawang independent contractors ng isang kilalang media company.

Ito ay may kinalaman sa alegasyon ng aktor na si Sandro Muhlach matapos umano siyang gahasain ng dalawa.

Kinilala ang mga respondents na sina Jojo Nones and Richard Cruz.

Nahaharap na ngayon ang dalawa sa isang bilang ng kasong rape sa pamamagitan ng sexual assault at dalawang bilang ng acts of lasciviousness sa Pasay Regional Trial Court.

Ayon sa DOJ prosecutors, nakitaan nila ng prima facie evidence o sapat na batayan ang reklamong inihain ni Muhlach laban kay Nones at Cruz .

Nakatakda namang i raffle ang kaso sa Pasay RTC Branch 115.

Nag-ugat ang kaso matapos na maghain ng reklamo ang kampo ni Muhlach kasama ang NBI sa DOJ noong buwan ng Agosto ng taong ito.

Una nang hiniling ng kampo ni Nones at Cruz sa DOJ na ibasura ang reklamo dahil hindi naman aniya sapat ang mga documentary evidence ng naturang reklamo.

Sa 20 panihang resolusyon ng DOJ panel of prosecutors, nakitaan nila ng malinaw na elemento ng sexual assault at acts of lasciviousness ang reklamo ni Muhlach.