Kinasuhan ng Department of Justice ang tatlong industrial corporation dahil sa kabiguan na magbayad ng tamang buwis sa gobyerno.
Ang kaso ay may kinalaman sa Internal Revenue Code .
Ayon sa DOJ, nagmamatigas ang tatlong malalaking korporasyon na bayaran ang kanilang buwis.
Giit ng ahensya, malaki ang kinikita ng mga korporasyon na ito kayat walang dahilan para tumangging magbayad ng buwis.
Tnukoy ng DOJ ang naturang mga korporasyon na Total Metal Corporation na nahaharap sa 14 counts ng kaso.
Dawit din ang Equator Energy Corporation na mayroong apat na bilang ng kaso habang ang Limhuaco Metal Industrial Inc. ay may 12 counts ng kaso.
Kaugnay nito ay umaasa si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magpapalabas kaagad ng warrant of arrest ang Court of Tax Appeals sa mga may-ari ng mga nabanggit na korporasyon.