-- Advertisements --
cropped leila delima

Nakatakdang maghain ang prosecution panel  ng Department of Justice ng karagdagang ebidensya na may kaugnayan sa drug cases ni dating senadora Leila de Lima.

Sa isang pahayag ni  Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kinumpirma nito ang plano ng kanilang prosecution panel na pagsusumite ng mga bagong ebidensya sa korte

Itoy sa kabila ng mga naunang  pahayag ng kalihim na hindi niya haharangin kung maghahain ang kampo ng dating senadora ng Petition for Bail.
 
Paglilinaw naman ni Remulla na ang kanyang pag pabor ukol sa  piyansa ng dating senador ay base lamang sa humanitarian consideration.

Sa tingin kase ng opisyal na labis na ang mahigit anim na taon na pamamalagi ng dating senador sa Philippine National Police Custodial Center habang patuloy na dinidinig ang kaso nito.

Ito’y dahil na rin aniya na kahit papaano  ay naging senador naman ito ng bansa  at naging kalihim ng Department of Justice.

Iginiit naman ni Remulla na haharangin lamang nila ang Petition for Bail ng kampo ni De lima kung hindi ito ibabase sa humanitarian grounds at kung ipipilit nila na ibase  ito sa merito ng kaso.

Ginawa ni Remulla ang naturang pahayag matapos ang naunang desisyon noon ng Kataastaasang hukuman sa kaso naman ng dating chief of staff ni dating Senate President na si Atty. Gigi Reyes.

Naghain ang kampo ni Reyes ng habeas Corpus petition at ito nga ay pinaboran ng Korte Suprema.

Ang muling pagbubukas ng Drug Cases laban kay De Lima ay tugon ng Justice Department sa plano ng kampo ng dating senadora na maghain ng Petition for Bail sa korte dahil umano sa kawalan ng sapat at matibay na ebidensya.