Tiniyak ng Department of Justice na nakahanda silang magbigay ng proteksyon kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Si Mabilog ay nakabalik na ng bansa matapos ang pitong taon na pamamalagi sa US .
Sa ginanap na kapihan sa DOJ kahapon, sinabi ni SOJ Jesus Crispin Remulla , nakahanda silang isailalim ang dating alkalde sa witness protection ng gobyerno.
Ayon sa kalihim , ang hakbang na ito ay upang maalis ang takot ni Mabilog .
Kung maaalala, sa panahon ng dating administrasyon Duterte, makailang ulit na tinukoy ni dating PRRD si Mabilog bilang drug protector.
Sa pagdating nito sa NAIA Terminal 3 ,kaagad naman siyang inaresto ng NBI dahil sa arrest warrant na inisyu ng Sandiganbayan para sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct for Public Officials.
Kinumpirma rin ng abogado nito na nagpa reactivate na si Mabilog ng kanyang voter registration para sa 2025 midterm elections.
Samantala, sinabi ni Remulla na interesado silang malaman kung bakit kabilang si Mabilog sa drug watchlist ni Duterte noon.