Pinakakasuhan na ng Department of Justice ang isang acting clerk of court sa Pasay City RTC na sangkot sa P6 million extortion.
Nagdemand at tumanggap umano ang naturang suspect ng naturang halaga bilang kapalit ng isang paborableng desisyon ng isang civil case na hinahawakan ni RTC Judge Albert T. Cansino.
Kinilala ito na si Mariejoy P. Lagman na mahaharap sa mga kasong direct bribery sa ilalim ng Article 210 of the Revised Penal Code as amended, paglabag sa R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa RA 6713 o mas kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Samantala, ang reso na inilabas ni Senior Assistant Prosecutor Phillip L. Dela Cruz habang inaprubahan naman ito ni Prosecutor General Benedicto A. Malcontento sa rekomendasyon ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony D. Fadullon.
Subject for regular preliminary investigation ang reklamong inihain rin laban kay Judge Cansino ng RTC Branch 108 na may hawak ng kaso.
Nag-ugat ang reklamong ito matapos makatanggap ang SC Judicial Integrity Board ng isang email complaint.
Matapos naman na maberipika ng NBI natukoy nito ang naturang suspect.
Sinuspinde narin ng Korte Suprema si Cansino at Lagman bilang bahagi ng administrative proceedings sa reklamong inihain laban sa kanila.