Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DoJ) sa korte si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam at iba pang personalidad dahil na rin sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson lll.
Kabilang din sa mga pinasasampahan ng kasong murder sina Masbate acting Mayor Nelson Cambaya, Junel Gomez alyas Bunso, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz.
Frustrated murder naman ang ipinasasampang kaso kina Cam, Marco Martin Cam, Cambaya, Gomez, Solis, De Luna, Dela Cruz dahil sa pagkasugat ni Alberto Y. Alforte IV.
“Probable cause, for the purpose of filing a criminal information, has been defined as such facts as are sufficient to engender a well-founded belief that a crime has been committed and that respondent is probably guilty thereof. The term does not mean “actual and positive cause” nor does it import absolute certainty. It is merely based on opinion and reasonable belief. Probable cause does not require an inquiry into whether there is sufficient evidence to procure a conviction. It is enough that it is believed that the act or omission complained of constitutes the offense charged,” base sa desisyon.
Nag-ugat ang mga reklamo sa pagkamatay ng vice mayor habang kumakain ito sa isang karinderya sa Sampaloc, Manila noong October 9, 2019.
Positibong namang itinuro noon ng asawa ni Yuson na driver mismo Cam ang isa sa apat na sangkot sa pagpatay sa kanyang asawa.
Ayon kay Lalaine Yuson, ang dalawa sa mga suspek ay bata raw ni Cam habang ang dalawa naman ay pulis sa Masbate.
Nanindigan ang pamilya Yuson na pulitika ang motibo sa krimen at ang pamilya ni Sandra Cam ang mastermind sa krimen.
Una nang itinanggi ni Cam ang akusasyon ng pamilya Yuson.
Kabilang sa mga pinangalan ni ginang Yuson na sangkot sa krimen ang anak ni Sandra Cam na si Marco Cam isang Purisima Martinez at Roberto Martinez.