-- Advertisements --
Nanawagan si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, ng tamang paggamit ng internet.
Aminado kasi ang DOJ sa pamamagitan ng kanilang National Coordination Center against Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (NCC-OSAEC-CSAEM) na marami pa rin ang hindi maingat sa paggamit ng internet.
Dagdag pa ng kalihim na ang tunay na hustisya ay hindi lamang sa pisikal na kaanyuhan at sa halip ay maging sa cyberspaces.
Bumabalangkas na rin sila kasama ang ilang ahensiya para mapalakas ang pagkaso sa mga child offender na gumagamit ng internet.