Nanawagan ang Department of Justice sa mga tagasunod ni Pastor Apollo Quiboloy na huwag harangan ang mga otoridad na maghahain ng Warrant of Arrest laban sa laban sa Pastor.
Ayon sa ahensya, ginagawa lamang ng Pulisya ang kanilang trabaho at ito ay bahagi pa rin ng pagpapatupad ng hustisya.
Ginawa ng DOJ ang pahayag matapos na harangin ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ ang paghahain ng Philippine National Police laban sa nagtatagong pastor.
Dahil sa komisyon, nagpakita ang pulisya ng kanilang pwersa sa pagsisilbi nito.
Naniniwala ang ahensya na hindi sana ito mangyayari kung boluntaryong susuko ang pastor sa mga otoridad para harapin ang kanyang mga kaso.
Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong Child at Sexual Abuse at maging qualified human trafficking.
Kung ang mga kaso umano ay walang basehan, ang korte na mismo ang bahalang magdeklara ng kanilang pagka inosente.