Tiniyak ng Department of Justice na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kilalang race car champion na si Enzo Pastor noong 2014.
Mismong ang asawa nito na si Dalia Guerrero Pastor ang itinuturong utak sa pagpatay na nahaharap na ngayon sa kasong parricide.
Una rito , muling binuksan ng Korte Suprema ang kasong parricide laban kay Dalia matapos na paburan nito ang apela ng ama ni Enzo na si Tomas Pastor.
Nagpasya rin ang Supreme Court na ilabas muli ang warrant of arrest at hold departure order na unang inisyu noong March 24, 2015 ng Quezon City regional trial court laban kay Dalia.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, makikipag tulungan sila sa iba pang partner agencies para matuntun ang utak sa pagpatay sa biktimang si Enzo.
Sinabi pa ng kalihim na makikipagtulungan sila sa mga international counterparts upang malocate si Dalia at maibalik sa bansa sa lalong madaling panahon .
Kung maaalala, pinagbabaril si Enzo noong 2014 sa loob ng sasakyan nito sa lungsod ng QC.