-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na walang immunity mula sa anumang kaso ang nakaupong ikalawang pangulo ng bansa.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra na gaya ng nangyari noong 2019 ng kasuhan si Vice President Leni Robredo ng ouster plot laban kay President Rodrigo Duterte.

Ang nasabing reklamo ay nabasura rin ng DOJ dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

Nilinaw naman ng kalihim na ang kaniyang pahayag ay walang kaugnayan sa sinabi ni Pangulong Duterte na tatakbo itong bise presidente pagkatapos ng kaniyang termino para hindi ito makasuhan ng kaniyang mga kritiko.