Nasa kamay na ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging kapalaran ni Mary Jane Veloso kasabay ng pagdating nito sa bansa.
Ito ang binigyang diin ng Department of Justice sa isinagawang press conference kahapon sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Panawagan kasi ni Veloso maging ng kanyang pamilya ang pagbibigay ng Executive Clemency sa kanya para makasama na nito ang kanyang mga anak at pamilya na matagal nawalay sa kanya.
Sa pagbabalik ni Veloso sa bansa ay nakatakda nitong buin ang sentensyang ipinataw sa kanya.
Sa naging pahayag ni Justice Usec. Raul Vasquez, sinabi nito na may karapatan si PBBM na magbigay ng clemency dahil ito ay naaayon sa batas bagamat nananatiling prerogative ng pangulo kung ibibigay niya ito.
Life in imprisonment ang kailangang mabuo ni Veloso sa Pilipinas dahil walang death penalty sa ating bansa.
Samantala, tiniyak ng Bureau of Correction na magkakaroon ng parehong prebeleheyo si Veloso katulad ng mga regular inmate na babae sa Correctional Institution for Women.