Naniniwala ang Department of Justice na malaki ang magiging papel ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdalo nito sa gaganaping Jail Decongestion Summit.
Sa isang press briefing sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na ito ay makatutulong upang mapataas ang kamalayan at lebel ng diskusyon sa naturang event.
Aniya, ito ay magbibigay ng kredibilidad at importansya sa mga inisyatibo ng mga kalihim ng gabinete ng punong ehekutibo at korte suprema upang matugunan ang isyu sa mga siksikan sa mga piitan sa bansa.
Ang naturang Jail Decongestion Summit ay nakatakdang ganapin sa Disyembre 6 hanggang 7 ng kasalukuyang taon.
Samantala, sinabi naman ni Clavano na umaasa sila nasa pamamagitan ng pagdalo ni PBBM sa natirang summit, mas magkakaroon ng interes ang mga eksperto na makilahok sa diskusyon.