-- Advertisements --

Muling tiniyak ni Department of Justice Jesus Crispin Remulla na malapit ng ma-extradite mula sa Timor-Leste si Negros Oriental congressman Arnolfo Teves Jr.

Sinabi ng kalihim na kahit nakalaya na sa pagkakakulong ang dating mambabatas ay nananatili pa rin ito sa nasabing bansa.

Patuloy din ito ng umaapela sa desisyon ng Court of Appeals na dapat siya ay ma-extradite sa Pilipinas.

Aminado din ang opisyal na ang apela sa Timor-Leste ay walang katapusan pero naniniwala itong makakauwi rin ang mambabatas.

Handa rin si Remulla na makapulong si Timor-Leste President Jose Ramos-Horta para talakayin ang extraditionni Teves.

Noong Oktubre ng nakaraang taon ng unang makapulong ni Remulla ang pangulo ng Timor-Leste.

Tanging ang naging balakid sa DOJ sa pagpapauwi kay Teves sa Pilipinas ay ang judicial system nila sa Timor-Leste.

Sakaling makabalik na sa bansa si Teves ay haharapin niya ang kasong pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 2023.