-- Advertisements --
Kumbinsido si Justice Secretary Jesus Remulla na mayroong grupo na nasa likod ng pagpapakalat ng mga fake news.
Sinabi nito na mayroong 20 mga indibidwal ang kanilang iniimbestigahan na nagpapakalat ng nasabing fake news.
Giit nito na mas pinapahalagahan nila ang kapakanan ng mga nakakarami imbes na intindihin ang malayang pamamahayag ng iilang tao.
Wala aniyang masama na magpahayag ng saloobin sa mga online basta tiyakin na ito ay totoo.