-- Advertisements --

Binigyang diin ng Department of Justice na gumugulong ang mga hakbang ng gobyerno para mapauwi ng bansa si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.

Si Teves ang itinuturong mastermind o utak sa pagkamatay ni dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pang indibidwal.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, malawak ang korapsyon sa justice system ng Timor Leste kaya’t hindi pa naiiuwi ng bansa ang dating mambabatas.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng paggiit ng gobyerno ng Pilipinas na tumalima lamang ang Pilipinas sa commitment bansa sa INTERPOL sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Maalalang sa tulong ng INTERPOL ay nahuli si Teves sa Timor Leste kung saan nagpapatuloy ang pagdinig ng kanyang kaso duon.

Giit ni Remulla, ang INTERPOL ang last resort ng gobyerno sa panahong ito.

Ayon sa opisyal, ang naturang organisasyon ang katuwang ng gobyerno ng Pilipinas sa paghahabol at pag-aresto ng mga kriminal o mga indibidwal na pinaghahanap ng batas sa ibayong dagat.

Ang hakbang aniya ng gobyerno ay isang executive action lamang para isuko ang isang indibidwal na mayroong kinakaharap na warrant of arrest mula sa International Criminal Court.