-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Justice na hindi pinipersonal ng iba’t ibang government agencies si Vice President Sara Duterte.

Sa isang press conference na ginanap sa Malacanang, sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na isinusulong at pinapairal lamang nila ng batas ng bansa.

Ito ay may kinalaman pa rin sa naging banta ni VP Sara kaban kay PBBM.

Paliwanag ni Usec. Andres , kinakailangan aniyang mas lalong palakasin ang mga institusyon ng pamahalaan.

Bukod dito ay kailangan ring isulong ang Konstitusyon ng bansa.

Malaking pagkakataon rin aniya ito na ipakita sa publiko na walang sini-sino ang batas kahit pa ang mataas na opisyal ay mapapanagot sa batas.