-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Justice na hindi immune si Vice President Sara Duterte sa anumang kaso kahit ito ay kasalukuyang nasa posisyon.

Sa pulong balitaan , binigyang-diin ni Justice Undersecretary Jesse Andres na kahit pangalawang pinakamataas na pinuno ito ng bansa ay maaari pa rin itong masampahan ng kaso.

Ginawa ni Usec. Andres ang naturang pahayag matapos ang naging pagbabanta ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , 1st Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

Kabilang sa mga kasong maaaring ihain laban kay Duterte at kasong administratibo at kriminal.

Samantala, maaari namang disiplinahin ng Office of the Ombudsman ang bise at nagsagawa ng imbestigasyon.

Sinabi pa ni Andres na dapat ay accountable ang bise sa lahat ng kanyang mga binibitawang salita dahil siya ay may mataas na posisyon.