-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Justice na walang inilabas na hold departure order ang Bureau of Immigration laban sa dalawang miyembro ng entourage ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ito ay matapos na bigong makaalis sa bansa ang makeup artists ni Pia na sina Justin Soriano and Jeck Aguilar noong Enero 22, 2024.

Ayon kay DOJ spokeserson Mico Clavano, batay aniya sa kaniyang naging kumpirmasyon sa Bureau of Immigration ay walang derogatory record ang dalawa.

Ngunit ang problema aniya ay nasa panig ng Dubai na bansang pupuntahan sana ng dalawa kung kaya’t ang airline na aniya mismo ang nag-offload sa mga ito.