-- Advertisements --

Pag-aaralan pa ng Department of Justice (DOJ) ang posibleng muling pagtatalaga kay dating Energy secretary Raphael Perpetuo Lotilla bilang uupong kalihim ng Energy department sa ilalim ng Marcos administration.

Ginawa ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang pahayag nang matanong kung may legal repercussions ba kung sakaling maitalaga si Lotilla bilang susunod na Energy secretary dahil sa kasalukuyan nitong posisyon bilang independent director ng largest renewable energy provider na Aboitiz Power and Exenor.

Saad ng Justice Secretary na kanialng pag-aarlan ang PCC rules at ang DOE law of 1992.

Nitong Lunes, hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Lotilla na magsilbi bilang kalihim ng Energy Department sa ilalim ng kaniyang adminsitrasyon.

Subalit Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang appointment ni Lotilla ay nakadepende sa paglilinaw sa kaniyang employment status bilang independent director.

Tinukoy nito ang Section 8 of RA 7638 o ang Act Creating the Department of Energy, kung saan hindi eligible para maitalaga bilang kalihim ng DOE sa loob ng daalwang taon mula sa retirement, resignation o separation ng isang opsiyal, external auditor, accountant o legal counsel ng anumang pribadong komapniya o enterprise na may kaugnayan sa energy industry.

Magugunita na una ng nanungkulan bilang kalihim ng Department of Energy si Lotilla mula taong 2005 hanggang 2007 sa ilalim ng termino noon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.