Gagawa ng legal na aksiyon ang Department of Justice laban sa mga indibidwal na nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng video na gumagamit umano ng ipinagbabawal na droga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano na ilegal ang paggawa at pagpapakalat ng naturang video sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code na nagpaparusa sa unlawful publication of materials na posibleng makulong ng 1 buwan at isang araw hanggang 6 na buwan.
Saad pa ni Clavano na ang pagpapalabas ng naturang pekeng video sa mismong araw ng SONA ni PBBM ay nagpapahayag ng intensiyong sirain ang kredibilidad ng Pangulo at mahalagang ulat sa bayan.
Sinisira din ng malisyosong gawain na ito ang tiwala ng publiko at banta sa kaayusan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni Clavano na committed ang DOJ na pairalin ang batas at gagawin ang lahat ng kaukulang mga aksiyon para matukoy at mausig ang mga responsable ng ilegal na gawain.