-- Advertisements --
Pinag-aaralan ng Department of Justice ang legal na maaring kaharapin ni Vice President Sara Duterte dahil sa mga pahayagnito laban kay namayapang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kay DOJ Secretary Crispin Remulla, na kanilang pinag-aaralan ang legal na aspeto dahil maaaring mayroong nalabag sa moral na prinsipyo.
Giit pa ng kalihim na bilang mataas na opisyal ng bansa ang Bise Presidente ay dapat maging sensitibo din ito sa mga binabanggit niya.
Itinuturing pa nito na lubhang nakakabahala sa isang bise presidente ang nasabing mga pahayag.
Magugunitang umani ng mga magkakahalong komento ang naging batikos ng bise presidente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.