-- Advertisements --

Pinagpapaliwanag na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga ahente ng Bureau of Immigrations (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) na nakipag-selfie sa pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Department of Justice Assistant Secretary and spokesperson Mico Clavano IV, na naabisuhan na nila ang mga nasa larawan.

Pagtitiyak niya na dadaan sa tamang proseso ang lahat kapag nakuha na nila pagpapaliwanag.

Magugunitang umani ng batikos ang kumalat na larawan na tila nakipag-selfie pa ang mga ahente ng NBI at BI kasama si Guo na nakangiti pa.

Una ng sinabi rin ni NBI Director Jaime Santiago na ang nasabing larawan ay tila pagpapatunay na naging matumpay ang kanilang operasyon sa Jakarta, Indonesia.