Inirerekomenda ng Department of Justice -National Prosecution Service (DOJ-NPS) ang pagsasampa ng mga kaso laban sa isang Canadian national dahil sa pagkakasangkot nito sa Alitagtag drug haul at paggamit ng fictitious name.
Nag-ugat ang kaso sa isinagawang imbestigasyon ng PNP-NCRPO Regional Intelligence Division para matukoy ang posibleng mga kasabwat ni Michael Zarate M. Ajalon kaugnay sa Alitagtag drug bust noong Abril 15, 2024.
Noong 16 Mayo 2024, inaresto si Quinn sa isang spa sa Tagaytay City sa bisa ng mission order na inisyu ng Bureau of Immigration (BI) na nag-ugat sa Red Notice ng Interpol laban sa kanya.
Nasamsam kay Quinn sa panahon ng operasyon ang mga droga gayundin ang ilang identification card sa ilalim ng iba’t ibang pangalan na may parehong mga larawan sa mukha.
Si Quinn ay idinawit sa Alitagtag drug case, ito ay magiging SUBJECT ng karagdagang case build-up at preliminary investigation upang matukoy ang kanyang partikular na partisipasyon at ang pagkakasangkot ng iba sa nasabing kaso.
Noong nakaraang buwan, isang pampasaherong van na may dalang mga ilegal na kontrabando ang na-flag down sa isang checkpoint sa Barangay Pinagkurusan, Alitagtag kung saan naaresto ang driver na kinilalang si Michael Zarate M. Ajalon kasama ang pagkakasamsam ng toneladang shabu.
Ayon sa mga awtoridad, malaking role ang ginampanan ni Quinn sa paghahatid ng toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas.
Sinasabi ng mga ulat na konektado si Quinn at ang naarestong driver.