Pinangunahan ng Department of Justice ang pagbibigay ng legal lectures sa ilang mga estudyante ng law school sa Region III ng Nueva Ecija.
Kung saan nasa 51 mga law students at 39 estudyante ng criminology mula sa isang unibersidad ang nakabenepisyo ng naturang programa.
Layon sa isinagawang lecture na maihanda at ang upskilling sa mga estudyante upang kanila itong magamit sa pag-aaral bilang abogado at tagapagpatupad ng batas.
Ginanap ang naturang aktibidad na pinangunahan ng Department of Justice Action Center (DOJAC) ng Region III sa isang unibersidad ng Canatuan City na siya namang nag-iisang law school sa probinsiya.
Isa din sa mga nais matugunan at pinagtuunan ng pansin sa mga pag-aaral o legal lectures na ito ang maipakita, maipaliwanag at maituro ng husto sa mga estudyante kung papaano ang kumikilos ang criminal justice system sa bansa.
Kabilang sa mga namahagi ng kanilang mga kaalamang propesyunal ay sina Atty. Earl V. Hernal at ang facilitator na si DOJAC Region III Legal Assistant Clarence Antonio V. Hernal.
Ang undersecretary naman ng Department of Justice na si Atty. Margarita Gutierrez ay hinimok ang mga nagsipagdalo na magsilbi nawa ng pag-aaral na ito mas pagtubihin ang mithiing makapagbigay hustisya hindi lamang sa iilan kundi ng para sa lahat.
Ayon naman kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, binigyang diin nito ang kahalagahan na ihanda ang mga future lawyers at law enforcers ng bansa.
Aniya, ang hustisya raw umano ay hindi lamang para sa kasalukuyan bagkus naniniwala siyang ito’y para din sa mga susunod pang darating na henerasyon.