-- Advertisements --

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang kaso sa pagpatay sa dalawang aktibista sa Guniobatan, Albay.

Sa inilabas na Department Order 175, ipinag-utos ni DOJ Secetary Menardo Guevarra sa NBI na maghain ng kaso laban sa mga suspek na pumaslang kina Jemar Palero at Marlon Naperi.

Base sa human rights groups na Defend Bicol na basta na lamang binaril umano ng mga kapulisan ang dalawa matapos na maaktuhan na nagpipintura bilang protesta nitong Lunes.

Depensa ng mga kapulisan na armado raw ang dalawa at gumanti lamang sila matapos na sila ay barilin.

Nauna nang ipinaimbestiga na rin ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang nasabing insidente.