Pinagkokomento ng Department of Justice (DoJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa kasong isinampa nila sa WellMed Dialysis Center.
Sa isinagawang preliminary investigation ng DoJ, bagamat no show ang mga respondents, sinasabing nakapaghain naman ng kanilang counter-affidavit ang ilang respondent.
Maalalang maliban sa dalawang whistle blower sa nabunyag na ghost dialysis patients ng WellMed at pito ring opisyal nito ang kinasuhan ng NBI.
Kabilang dito sina:
- Dr. John Ray Gonzales, medical director
- Claro Sy, chairman
- Alvin Sy, corporate treasurer
- Therese Francesca Tan, purchasing officer
- Dick Ong, administration officer
- Mga physicians na sina Dr. Porshia Natividad
- Joemie Soriano na pawang at large.
Pinangunahan ni Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera ang pagdinig na dinaluhan ng mga abogado ng mga respondents sa pangunguna ni Attorney Rowell Ilagan.
Itinakda naman sa July 15 ang susunod na pagdinig ng DoJ.
Naging close-door ang unang araw ng pagdinig sa reklamo ng NBI laban sa mga opisyal ng WellMed.