Inirekomenda na ng Department of Justice ang paghahain ng kasong kriminal laban sa 30 opisyal ng Philippine National Police na sangkot sa unlawful arrest sa isinagawang anti-illegal drugs operation noong 2022.
Sa nangyaring operasyon nasakote ng mga operatiba ang P6.7-B na halaga ng shabu sa Maynila.
Batay sa inilabas na 47 pahina ng resolusyon, inaprubahan ng DOJ panel of prosecutors ang paghahain ng kasong may kinalaman sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 partikular na dito ang pagtatanim ng ebidensya sa ilalim ng Section 29 .
Matapos ang isinagawang preliminary investigation, matagumpay na naresolba ng panel of prosecutors ang reklamong inihain ng National Police Commission at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.
Nag-ugat ang reklamo mula sa isinagawang buy-bust operation laban sa WPD Lending sa Tondo, Manila na nagresulta sa pagkakaaresto kay Nely Saligumba Atadero at pagkaka sakote ng 990 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu noong Oct. 8, 2022 at pagkakaaresto kay PMSG Rodolfo B. Mayo noong 9, 2022 sa Quiapo, Manila.
Ayon sa panel of prosecutors ng Justice Department , napatunayan sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng unlawful arrest ang mga akusadong pulis sa mga nabanggit na indibidwal.