Tiniyak ng Department of Justice na dadaan sa tamang proseso ang mga kasong kinakaharap ni Pastor Apollo Quiboloy.
Sinabi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, na ang pagkakaaresto kay Quiboloy ay isang patunay sa professionalism at commitment ng mga puwersa ng gobyerno para maisakatuparan ng tama ang kanilang trabaho.
Mula pa sa simula ay naging mahigpit na kaantabay ng batas ang mga kapulisan at ibang ahensiya ng gobyerno.
Inamin nito na ang pag-aresto ay isang malaking hamon dahil sa pagiging maimpluwensiya at may kapangyarihan si Quiboloy subalit hindi nagpatinag ang mga otoridad.
Magugunitang nahaharap sa kasong child sexual abuse at human trafficking si Quiboloy.
Una ng sumuko si Quiboloy at apat pang personalidad nitong araw ng Linggo matapos ang 24-oras na ultimatum ng PNP.