Pinasasampahan na ng kaukulang kaso ng Department of Justice ang 10 indibidwal na sangkot umano sa pagdukot at pagpaslang sa isang pharmaceutical businessman na si Eduardo Tolosa na dinukot sa BGC noong Hulyo 19, 2022 at pinatay sa Sto. Tomas Batangas.
Sa isang resolusyon na ipinalabas ng Department of Justice ay pinangalanan dito ang mga suspect na umano’y sangkot sa isang karumaldumal na krimen.
Kabilang sa mga pangunahing suspect ay sina Carlo Gonzalez Cadampog, Cesar Gonzalez Cadampog, Adrian Joseph Lleva Mendez a.k.a “AJ”, Richmel Riel Peralta Ignilan a.k.a “Bay” , Jomel Quines Vizcarra at Aldrin Antonio a.k.a ” Tomtom”.
Itinuturing naman na naging kasabwat sa krimen sina John Benedict Veral Dumalanta at Victor Ragodon Ferrer habang naging kasangkapan naman sina David Zulueta Gundran at Melvin Leonor Andes.
Pagkatapos masampahan ng kaso ay kusang sumuko ang respondent na sina John Benedict Dumalanta, David Gundran Jr. Melvin Andes, Melchor Andes at Victor Ferrer sa PNP-AKG sa Camp Crame City kung saan nila isinagawa ng kani-kanilang extra-judicial confessions.
Matapos na masuri ang mga ebidensya, nakakita ang Prosecution Panel ng sapat na rason upang i hold ang mga respondent maliban kay Melchor Andes, isang menor de edad at para sa litisin.
Ang naturang akusasyon sa mga naturang mga respondents para sa kidnap for ransom with murder ay hindi lamang batay sa extra-judicial confession nina John Benedict Dumalanta, David Gundran Jr. Melvin Andes, Melchor Andes at Victor Ferrer kundi pati na rin sa iba pang kaukulang ebidensya tulad ng mga footages sa CCTV at mga testimonya ng iba pang mga testigo na nagpapatunay na mismong si Carlo Cadampog ang mastermind ng kidnap for ransom at pagpatay sa negosyante.