-- Advertisements --

Umalma ang Department of Justice (DoJ) sa findings ng Committee to Protect Journalists (CPJ) sa umano’y paglala nang panggigipit sa mga mamamahayag sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, taliwas sa opinyon ng mga foreign journalist na bumisita sa bansa ay naniniwala itong malayang-malaya ang mga journalist sa Pilipinas.

Aniya, malaya raw ang mga mamamahayag na batikusin ang gobyerno nang walang takot.

Una nang inihayag ng mga bumisitang foreign journalist na labis nilang ikinababahala ang patong-patong na kasong kinahaharap ngayon ng Rappler CEO na si Maria Ressa.

Ayon sa mga banyaga, nakababahala ang mga nasabing kaso at naniniwala ang mga ito ay pawang politically motivated lamang.

Sinabi din ng grupo na ilan sa isinumbong sa kanila ng mga mamahayag ay ang red tagging o pag-akusa sa mga ito na miyembro ng makakaliwang grupo.