Huwag i-click at agad i-report ang post sa Department of Justice (DoJ)-Office of the Cybercrime (OOC).
Ito ang paalala ng DoJ-OOC sa lahat ng Facebook users matapos lumabas ang report na maraming Facebook account users ang nabiktima nang otomatikong pag-tag ng mga post na naglalama ng link at magiging daan para sa adult videos.
Bago ito, nakalagay na pinindot na link na kailangan muna ng user na mag-install ng updaded video player para mapanood ng buo ang video.
Pero sa oras na klinick ang link, magreresulta ito sa automatic at random tagging ng parehong post sa mga Facebook friends ng isang user.
Dahil dito, sinabi ni DoJ-Office of the cybercrime na kapag nakatanggap ng notification tagging ang isang user lalo na sa mga mahihilig sa mga videos na naglalaman ng mga adult content ay huwag na nila itong pintudin bagkus ay agad makipag-ugnayan sa mga otoridad.
Una rito, matapos ulanin ng mga tawag, agad nakipag-ugnayan ang DOJ-OOC sa APAC Legal Law Enforcement Outreach ng Facebook para sa kanilang kaukulang aksiyon.
Agad naman umanong tinanggal ng Facebook APAC Legal Law Enforcement Outreach ang page na responsable sa mga malisyosong tagging ng popular social media platform na karaniwan ay naglalaman ng adult materials.
“The Department of Justice-Office of Cybercrime (OOC) has received confirmation from the Facebook APAC Legal Law Enforcement Outreach that the page associated to the malicious tagging has been removed and its administrators were sanctioned, ” ayon sa DoJ-OOC.
Posible namang maharap sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2002 ang mga responsable sa introduction o transmission ng naturang mga materials maging ng mga viruses gaya ng malwares at ang pagbagal ng computer systems.