-- Advertisements --

Hinimok ngayon ng Department of Justice-Office of Cybercrime (DOJ-OOC) ang ilan pang mga Facebook users na biktima ng dummy account na makipag-ugnayan lamang sila sa justice department.

Kasunod na rin ito ng mga report na natanggap ng DoJ-OOC na mayroong gumawa ng dummy ng kanilang Facebook accounts.

Ang mga nagreklamong indibidwal ay ang mga nagpahayag umano ng kanilang pagtutol sa Anti-Terrorism Bill na layong amiyendahan ang Republic Act (R.A.) No. 9372 o ang Human Security Act of 2007.

Sa ngayon, patuloy na tinutunton ng mga otoridad ang mga responsable sa paggawa ng dummy ng ilang Facebook users.

Narito ang format kung paano i-report sa DoJ kung na-duplicate ang kanilang FB page:

Name: (e.g., Juan Dela Cruz)

Facebook profile username: (e.g., Juan Dela Cruz)

Facebook profile account link: (e.g., www.facebook.com/juan.delacruz)

Dummy account username: (e.g., Juan Delacruz)

Dummy account link: (e.g., www.facebook.com/juan.dela.cruz.111)

Nagpaalala naman ang DoJ na ano mang intentional acquisition, use, misuse, transfer, possession, alteration o deletion ng identifying information na pag-aari ng iba ito man ay natural o juridical at kahit walang nagawang damage sa panig ng user ay itinuturing na isang krimen partikular ang Computer-related Identity-Theft.

Paglabag ito sa Section 4 (b)(3) of R.A. No. 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. 

Ang sino mang mapapatunayang guilty sa naturang paglabag ay makukulong ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon.

Kailangan ding magmulta ang akusado nang hanggang P200,000.