-- Advertisements --
remulla

Nagpahayag ng pagkadismaya si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group matapos itong magsagawa ng raid sa isang Philippine offshore gaming operators sa Las Piñas noong nakaraang buwan kahit pa hindi sapat ang hawak nitong mga ebidensya.

Sa naturang operasyon ay matagumpay na nailigtas ang mahigit dalawang libong indibidwal na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking.

Ayon kay Remulla, nabigo ang .Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na makipag coordinate sa Department of Justice Inter-Agency Council Against Trafficking at sa halip ay ipinagpatuloy pa rin nito ang naturang raid.

Sinabi ng kalihim na wala umanong specific grounds para hulihin ang mga indibidwal na nasa lugar.

Wala rin aniyang complainant at inihalintulad pa nito ang PNP Anti-Cybercrime Group na nagsagawa ng raid sa isang mangingisda na pumasok na lang para manghuli.

Iginiit pa ng kalihim na dati na niyang sinabi na bago magsagawa ng operasyon ay magsagawa muna ng case build up para maging matibay ang kaso.

Aniya, hindi papayag ang Department of Justice na maglagay at magtanim nalang ng mga ebidensya kahit kanino.

Una ng naaresto ang limang suspect na pawang mga Chinese national noong June 30 matapos ang isinagawang operasyon.

Ang mga suspect ay kinilalang sina Li Jiacheng, Xiao Liu,, Yan Jiayong, , Duan Haozhuan, and LP Hongkun,

Silang lahat ay nakatakdang sumailalim sa Preliminary Investigation.at Ito rin ay nangangahulugan na pinapayagan silang maghain ng kanilang mga counter affidavits at magpaliwanag ng kanilang panig bago tuluyang sampahan ng kasong kriminal sa korte.

Kabilang sa mahigit 3000 na nailigtas na mga indibidwal sa naturang operasyon ay mga Filipino na may bilang na 1, 534 habang ang natitirang 1, 190 ay pawang mga indibidwal na galing sa bansang Malaysia, Singapore, China at Vietnam.

Samantala, sinabi rin ni Remulla na gusto niyang maka-usap si PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. ukol sa naturang usapin.