-- Advertisements --

Nasa maayos na raw na kalagayan si Justice Sec. Menardo Guevarra matapos isugod sa ospital.

Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Usec. Adrian Sugay, hindi raw maganda ang pakiramdan ng kalihim kaninang umaga kaya agad itong dinala sa pagamutan.

Isasalang daw ang kalihim sa routine tests at patuloy pa ring inoobserbahan sa isang ospital na hindi na binanggit ni Sugay.

Sa mga lumabas na ulat, nitong mga nakaraang araw ang nahihirapan daw huminga ang kalihim pero hindi ito nagpa-check up sa doktor.