-- Advertisements --

Nirerespeto ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang hiling privacy ni DOJ spokesperson Undersecretary Markk Perete ng ito ay nagbitiw.

Sinabi nito na isinumite niya mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang resignatio dahil sa siya ay Presidential appointees.

Ayon sa kalihim na naging personal ang rason ni Perete sa kaniyang pagbibitiw na kaniyang nirerespeto.

Taong 2018 ng italaga bilang tagapagsalita ng DOJ si Perete na siya rin ay technical assitant sa Office of the President na may rangkong assistant secretary for legal affairs.