-- Advertisements --
Muling tinanggihan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang nomination para maging Associate Justice ng Supreme Court (SC).
Sa sulat ng kalihim kay retired Sandiganbayan Justice Raoul Victorino, na siyang nagnominate sa kaniya, labis ang kasiyahan nito dahil sa pagpili sa kaniya sa posisyon.
Dagdag pa nito na ito na maari ang kaniyang huling tsansa na ma-nominate sa nasabing puwesto mula ng magkaroon ng bagong panuntunan ang Judicial and Bar Council (JBC).
Sa bagong panuntunan ng JBC na dapat mayroon lamang na 2.5 na taon na natitira sa serbisyo ang mga kandidato sa anumang posisyon sa Supreme Court.
Dagdag pa nito na mas kailangan siya sa DOJ bilang kalihim.