-- Advertisements --

Mahigpit na nagbabala si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla na mananagot sa batas ang sinumang indibidwal na tumulong para makalabas sa bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Inatasan din nito si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na magsagawa agad ng ulat ukol sa insidente.

Giit nito na isang “final warning” ang kaniyang ibibgay sa mga BI personnel na tumulong para makalabas ng bansa si Guo.

Maging ang mga abogado ni Guo na maaring naging susi sa pagpapalabas sa bansa ng dating alkalde ay kaniyang papanagutin.