-- Advertisements --

Nangunguna si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa mga cabinet secretary na may pinakamalaking natanggap na sahod at allowance noong 2023 ayon sa inilabas na 2023 Report on Salaries and Allowances o ROSA ng Commission on Audit. 

Nakatanggap si Remulla ng net pay na P7.08-M noong nakaraang taon kung saan P3.34 million dito ay basic salary at ang iba naman ay allowances at bonuses. 

Sumunod kay Remulla si Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr. na nakatanggap ng P6.06 million. 

Pumangatlo naman si Commission on Higher Education Secretary Prospero De Vera III na may net pay na P5.19 million. 

Gayunpaman, walang cabinet secretaries ang nakapasok sa top 100 highest paid government officials noong 2023 kung saan dinomina naman ng executives ng Bangko Sentral ng Pilipinas.