Hindi isinasantabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng madagdagan pa ang mga pulis na ma-convict kaugnay sa kontrobersyal na war on drugs ng nagdaang administrasyon.
Ginawa ni Sec. Remulla ang naturang pahayag matapos maconvict si Police Chief Master Sergeant Ricky Sta. Isabel sa pagkamatay ng negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.
Ang naturang pulis ay parte ng defunct Anti-Illegal Drugs Group na binuwag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kahihiyan matapos na sakalin hanggang sa mamatay ang negosyante sa loob ng national police headquarters.
Si Sta. Isabel ang ikatlong police officer na na-convict may kinalaman sa drug war ng Duterte administration.
Ang unang na-convict ay ang tatlong police officers na may kaugnayan sa pagkamatay ni Kian delos Santos. Sumunod dito noong Marso ng kasalukuyang taon ang isa pang police officer na na-convict sa pagkamatay ng 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz at isang 14 anyso na si Reynaldo “Kulot” de Guzman.
Ani, Remulla inaasahang madaragdagan pa ang conviction sa kapulisan dahil marami sa kanila ay hindi ginampanan ng maayos ang kanilang tungkulin at posibleng nakipagsabwatan sa ibang panig.
Muling inihayag ni Remulla na gumagana ang judicial system ng pamahalaan at bukas sila para usigin ang mga paglabag na nagawa sa madugong war on drugs.