Aabot sa kabuuang 24 na bagong itinalagang prosecutor ang nanumpa kahapon sa Department of Justice (DOJ).
Ito ay pinangasiwaan ni Undersecretary Fredderick A. Vida, Usec-in-Charge for Financial, Administration and Personnel Cluster para sa ahensya.
Ang pagtalaga sa mga prosecutors na ito ay magbibigay-daan sa Departamento na makamit ang isang zero-backlog na patakaran at magpapagaan sa mabigat na gawain ng National Prosecution Service (NPS).
Sa isang mensahe, ipinaabot ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang kanyang mainit na pagtanggap sa bagong talagang state prosecutors.
Optimistic din ito dadalhin nito ang Kagawaran sa mas mataas na antas ng performance and confidence.
Ang mga bagong prosecutors ay itatalaga sa iba’t ibang prosecution offices sa buong bansa.
Pinaalalahanan naman ni Usec Vida ang mga ito at sinabing “With great power, comes great responsibility.”
Anim sa 24 na prosecutor ang itatalaga sa Office of the Secretary of Justice Prosecution Service (OSJPS) at ang iba ay ipapakalat sa provincial/city prosecution offices sa Ilocos Sur, Bulacan, Malolos, Cabanatuan City, at iba pa.