-- Advertisements --

Nanawagan si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa kampo ng pinatalsik na kongresista na si Arnolfo Teves Jr na tigilan na ang mga ginagawang delaying tactics at sa halip at harapin na lamang ang mga kaso nito sa korte.

Ayon kay Remulla, dapat ay iwasan na lamang ng mga ito na magbigay ng walang basehang akusasyon laban sa gobyerno ng Pilipinas  na maaaring makasira sa integridad ng Justice System nito.

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng napaulat na paghingi umano ni Teves ng tulong mula sa United Nations, Amnesty International, human rights groups at kay Pope Francis.

Batay umano sa naturang letter, iginiit nito na siya ay hindi makatarungang inuusig ng gobyerno ng Pilipinas at pinaparatangan.

Ikinategorya ng DOJ ang mga pahayag bilang haka-haka at isang delaying tactic na kung saan pinapalabas umano ng dating mambabatas na siya ay biktima.

Binigyang diin ng DOJ na nag tunay na biktima ay ang mga indibidwal na nasawi dahil sa mga kaso ng pagpatay na kinasasangkutan nito.

Maraming beses na nag alok ng proteksyon ang gobyerno kay Teves ngunit tumanggi ito.