-- Advertisements --
image 220

Binigyang linaw ng Department of Justice na hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ito’y kahit pa naihain na kahapon ang Multiple murder cases laban kay suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr sa tanggapan ng Department of Justice.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ipinagpapatuloy pa rin ng National Bureau of Investigation ang pag-iimbestiga sa ilang mga indibidwal na sinazabing sangkot at kasabwat sa pagpatay kay Degamo at sa siyam pang sibilyan na nadamay.

Una nang itunuro ng mga sumuko at nahuling suspect si Teves bilang mastermind umano sa pagpapatumba kay Degamo.

Magugunita ring ibinunyag ni Justice Secretary Remulla na si Teves ang nagsilbing financier upang maisakatuparan ang naturang krimen.

Nahaharap ngayon ang mambabatas sa mga kasong 10 counts ng Murder, 10 counts ng multiple frustrated murder at multiple attempted murder.