-- Advertisements --
Siniguro ng Department of Justice na mananagot ang lahat ng sangkot sa nadeskubreng nakakalabas sa NBI detention facility ang high profile inmate na si Jad Dera.
Ito ay matapos na mabisto na halos pitong beses na umanong naglalabas pasok sa kulungan ng NBI si Dera kahit na wala itong clearance mula sa korte.
Sa isang pahayag, binigyang diin ni Atty. Mico Clavano na malinaw na kinakailangan ng desisyon ng korte bago makalabas ang isang inmate mula sa kulungan .
Tiniyak naman ni Clavano na may ilang opisyal ang mapaparusahan kapag natapos na ang imbestigasyon.
Naniniwala si Clavano na hindi naman gagalaw ang mga nasa mababang posisyon kung walang utos o basbas mula sa mas mataas sa kanila.