-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sinimulan na ng binuong Task Force on Extra Judicial Killings ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Sa naging pahayag ni Remulla, sinabi nito na naghahanap na ngayon ng mga ebidensya ang grupo upang masimulan ang pagbuo ng matibay na kaso laban sa mga personalidad na sangkot sa madugong war on drugs.

Una nang binuo ng DOJ ang Task Force EJK at inatasan si Prosecutor General Richard Anthony Fadullon at mga opisyal ng NBI na pangunahan ang imbestigasyon.

Bilang bahagi ng imbestigasyon , plano rin ng grupo na makipag coordinate sa tumayong witness sa mga naunang pagdinig ng Senado at Kamara sa nakalipas na Duterte Administration.

Samantala, iginiit ng DOJ na sa ngayon ay wala pang deadline ang itinatalaga para matapos ang pagbuo ng kaso na ihahain sa mga personalidad na sangkot .