-- Advertisements --
Nagsasagawa ang Department of Justice (DoJ) ng verification sa mga kasong isinampa noon sa tinaguriang “drug queen” na si Guia Gomez Castro.
Ayon sa DoJ, ito ay para na rin sa gagawing hakbang kung magpapalabas na sila ng hold departure order (HDO) laban kay Castro matapos atasan ng kagawaran ang BI na magpalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa suspect.
Sa nakalap na impormasyon ng DoJ may mga naisampa nang kaso kay Castro noon na may kinalaman sa bouncing check at isang kasong may kinalaman sa droga.
Kapag lumabas na hindi pa nababasura ang kaso ay puwede itong gawing basehan para maglabas ang DoJ ng HDO.
Una rito, kinumpirma ng DoJ na may inilabas ng ILBO laban sa kapitana.